Si Hesus at mga Kababaihan

SA UNANG SIGLO AT NGAYON

Si Hesus at mga Kababaihan

SA UNANG SIGLO AT NGAYON

Isipin mong naglalakad ka sa maalikabok na mga kalye ng Galilea kasama si Hesus ng Nazaret- binabaybay ninyo ang nagsisiksikang mga tao para lamang mahawakan mo ang dulo ng kanyang balabal at marinig Siyang magsabing, "Lakasan mo ang iyong loob, anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Ang mga salitang iyan, minsan ay ginamit upang maibsan ang hirap ng kalooban ng isang babae libong taon nang nakararaan, ay para rin sa iyo.

Samahan ang kulturalista ng Bibliya na si Kristi McLelland sa mga kalyeng iyon habang dinadala ka niya pabalik sa mundo ni Hesus, sundan ang mga yapak ng mga babaeng nakilala ang buhay na Diyos. Sa loob ng pitong sesyon, pag-aralan ang kasaysayan at kultura ng unang siglo sa lipunan ng Gitnang Silangan, upang hindi lamang makilala pa ng lubusan si Hesus kung hindi upang mag-alab ang iyong pagsamba sa Kanya ngayon.