Si Hesus at mga Kababaihan

SA UNANG SIGLO AT NGAYON

Si Hesus at mga Kababaihan

SA UNANG SIGLO AT NGAYON

SINO KAMI

KAMI AY NAGSASALIN NG WIKA

Isinasalin namin ang pag-aaral na Jesus & Women sa maraming mga wika upang ipamigay ng libre

KAMI AY NAKIKIPAG-UGNAYAN

Nakikipag-ugnayan kami sa mga lokal na lider at organisasyon upang ipalaganap ang mensahe ng Jesus & Women sa buong mundo.

KAMI AY NAGPAPALAKAS

Layunin naming mapalakas ang mga komunidad upang maranasan at malaman ang hustiyang nakapag-papabago na dinadala ni Hesus

Our Founder

Kristi is a Bible Professor and biblical culturalist who wrote the Jesus and Women Bible study. Her mission is to translate this study and give it away for free.

WHERE we are

MORE about Kristi McLelland

Si Kristi ay isang guro sa Williamson College at naglilingkod bilang isang kulturalista ng Bibliya. Pinagdalubhasaan niya ang Christian Education sa Dallas Theological Seminary at ibinigay ang kanyang buhay sa pagtuturo sa mga tao kung paano aralin ang Bibliya.

Matapos mag-aral sa Israel at Egypt noong 2007 at madiskubreng ang Diyos ay higit pa sa kanyang kaalaman sa Kanya, itinuturo ni Kristi ang Bibliya sa mga lente ng taga-Gitnang Silangan, sa kasaysayan, heograpiya, kultura at wika nito. Hinihikayat ni Kristi ang mga mananampalataya na maging handang tumanggap ng sinasabi ng Panginoon, na mas mainam na gawin sa pamamagitan ng sama-samang karanasan ng kasulatan. Itinuturo ni Kristi ang kabutihan ng Diyos na nararanasan sa pagsasama-sama sa hapag, pagsasanay ng mabuting pakikitungo, at pinag-isang karunungan.

Sa mga taong propesor siya sa Williamson College at Direktor ng Christian Education at Women's Ministry sa mga lokal na simbahan, libu-libo ang mga naturuan at napatnubayan ni Kristi. Mula noong 2007 nanguna siya sa mga biyahe ng pag-aaral ng Bibliya sa Israel at nag-aral at nag-sanay sa ilalim ni Dr. Jim Martin, Rabbi Ken Alpren at ang kilalang arkeologong taga-Israel na si Dr. Gabi Barkay.

Ang mga biyahe ni Kristi sa Israel, Turkey, Greece at Italy, kasabay ng kanyang mga klase ukol sa Gitnang Silangan ay nakatutulong sa mga taga-Kanluran na aralin at pahalagahan ang Bibliya kung paano itong isinulat ng mga taga-Gitnang Silangan sa konteksto ng Gitnang Silangan. Ang lenteng ito ay naghahain ng mas malalim na pagtingin sa ibig sabihin ng mga karakter sa kanilang ginawa, sinabi at isinulat. Ang pinaghusay na pag-intindi ng balangkas ng Bibliya ang nagdadala sa atin upang mabuksan ng maigi ang ating mga mata, tainga at puso sa buhay na Diyos na patuloy na sumusuyo sa atin.

Handa si Kristi upang tumulong sa mga simbahan, mga kolehiyo, organisasyon at mga grupo sa pagtuklas sa Bibliya sa mga lente ng Gitnang Silangan.